Pasasalamat ng Magulang sa mga Guro – Happy Teacher’s Day

Spread the love

Nagpasalamat ka na ba sa Kanila?

Bilang isang magulang, isa sa mga taong pinagkakatiwalaan mo sa iyong mga anak ay ang mga Guro. Isa sila sa may malaking bahagi rin sa pagtataguyod ng ating mga anak pero sila din ang mga taong madalas nating nakakalimutang pasalamatan. Bakit nga ba natin sila dapat pasalamatan?

 

  1. Sila ang katuwang natin sa magandang kinabukasan ng ating mga anak

Aminin natin, kahit gaano tayo kagaling o katalinong mga magulang, hindi pa rin natin kayang ituro sa mga anak natin lahat. Kailangan nating ipasok sa eskwela o kahit home schooling kailangan pa rin natin ng gabay at pagtuturo ng isang guro para magkaroon ng kaalaman ang ating mga anak. Dahil dito ginugugol nila ang kanilang buhay sa pag-aaral para mabigyan ng tamang impormasyon ang ating mga anak. Dahil ang mga ituturo nila ay ang siyang magiging armas ng ating mga anak sa laban ng buhay. Sabi nga sa isang quote “Teachers should be the best minds in the country”. Kaya hindi basta basta ang trabaho nila.

 

  1. Sila ang pangalawang magulang ng mga anak natin

Ang mga guro ang nagsisilbing ama at ina ng mga anak natin sa eskwelahan. Take note hindi lang isang bata ang hinahawakan nila. Maswerte na sila kung less than 20 students lang ang hawak nila, paano kung nasa public school na madalas 20 or 30 mahigit na students. Kung tayong mga magulang ay minsan nagrereklamo sa mga anak nating makukulit paano pa kaya ang mga guro na maraming batang hinahawakan araw araw. Patience, love and understanding ang pinupuhunan ng mga guro sa mga anak natin hindi lang knowledge. Dahil kailangan din ng mga guro na gabayan ang EQ ng mga bata. Katuwang natin ang mga guro sa pag gabay sa mga anak natin hindi lang sa kaalaman kundi sa mabuting asal. Kaya kung tinuturuan ng mga teachers natin ang mga anak natin at napapagalitan, huwag naman natin silang husgahan at kalabanin. Dahil ang mga guro ay kakampi natin sa pagpapalaki ng mga anak natin para maging isang mabuting tao.

 

Paano naman natin maipapakita ang pagpapasalamat natin sa Kanila?

  1. Huwag natin iasa lang sa mga guro ang pagtuturo sa ating mga anak. Tayo bilang mga magulang ng ating mga anak ang main responsible sa pagtuturo sa mga anak natin. Nariyan ang mga guro upang umalalay kaya naman kapag may mga assignments o lecture si teacher tulungan natin ang mga anak natin sa pamamagitan ng pag rereview sa mga natutunan ng mga anak natin. Sa pamamagitan nito malaking tulong din sa mga guro na mas napapabilis ang learning process ng mga bata.
  2. Turuan natin ang mga anak natin na mahalin nila at igalang ang kanilang mga guro. Madalas nakakarinig ako ng mga batang nambabastos ng mga teachers. Meron ding mga magulang na imbes ang anak ang turuan ng magandang asal ay sa teacher pa magagalit kung bakit dinidisiplina o tinuturan lang naman ang kanilang mga anak na maging mabuting bata. Lalo tuloy bumababa ang tingin ng mga ganitong klaseng bata sa mga guro kung sa mismong magulang nila nakikita na nila na hindi nrerespeto. Sana tayong mga magulang ay turuang ipamulat sa mga anak natin na ang mga guro ay ang kanilang pangalawang magulang na dapat mahalin, sundin at igalang.
  3. Alam kong obligasyon ng mga guro ang turuan ang mga anak natin. Oo, trabaho nila yun bilang guro. Pero sana tayong mga magulang kahit paano ay huwag kalimutan sabihin ang salitang “Thank you” o “Salamat Ma’am / Sir” kahit paminsan-minsan. Masarap para sa mga guro na makarinig ng mga ganung salita, dahil kahit paano sa kabila ng kanilang pagod at mga sakripisyo ay nararamdaman nila ang kanilang halaga. Hindi kailangan ng mga bonggang regalo o kahit anong materyal na bagay kung hindi mo naman kayang magbigay para lang mapakitang nagpapasalamat ka. Ang mga salitang ito ay sapat na para maramdaman nila na naappreciate mo sila. Bonus na lang kung may pa token of appreciation ka syempre =)

 

Maraming Salamat sa mga naging guro ko mula elementary hanggang college. Hindi ko man kayo maisa-isa pero lubos po akong nagpapasalamat. Maraming-maraming salamat din po sa mga guro ng aking mga anak. Saludo po ako sa pasensya, pagmamahal at sa mga effort na pinapakita nyo para lang magabayan ang mga anak namin.

 

Happy Teacher’s Day!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *